Lee Taeyeon. Lovie.
Miss na miss na miss na miss na miss na miss na miss na miss na miss na miss na miss na miss na miss na miss na miss na miss na miss na miss na miss na kita :(
Sobra. Wala na akong inaasar. Wala na akong kaagaw sa mga bias ko.
At wala na din akong masabihan ng mga hinanakit ko.
Ikaw lang yung nagiisa na kaibigan ko na kahit madalas magbago-bago ang mood eh nandyan padin para pakinggan mga kwento ko. Yung bigla ko nalang kukwentuhan ng mga bagay na maski nakakahiya o medyo personal eh hindi ako nahihiya o nagdadalawang-isip na i-share yun. Yung magshe-share ako at sure ako na hindi ako iju-judge base sa mga sinasabi ko.
Miss na kita bruha ka. Alam mo ba na mahirap na wala ka?
Ang dami kong gustong isumbong sayo, ikwento at ishare na bago.
Lecheng signal kais yan eh. Di kita makausap ng matino.
Sana mabasa mo ito o kaya naman sana naaalala mo pa `tong secret account ko.
I love you higit pa sa pagmamahal ni Taemin sa iyo.
Pagbigyan mo na ako. Minsan lang ako maging cheesy :)
I miss you <3
…ang araw na kinatatakutan ko.
Hindi naman sa ayaw ko ng relationship namin sa ngayon pero mukhang mas lalo akong mahihirapan kapag nagsimula na yung klase ko ngayong pasukan.
Simula nung nasira yung Phone ko eh nawalan na kami ng communication (since doon lang naman talaga kami nakakapag-usap ng matino saka tuloy-tuloy) Nagkikita kami paminsan-minsan pero iba padin yung araw-araw kaming naguusap. Mahirap. Lalo na at nangako ako sa sarili ko na `di na mauulit yung kagaya nung nakaraan na nawalan lang ng communication eh wala na din lahat. Pero mukhang mauulit ata ngayon.
Mahal ko pa din siya pero may kulang na. Alam mo yun. Yung parang nawalan na ako ng interes sa kanya (na medyo nadadama ko na noon palang sa mga pinagkukwento ko dito) Saka idagdag pa na wala akong assurance na kapag may klase na kami eh mabibigyan na namin ang isa’t-isa ng time. Scholar ako at may ime-maintain na grade. Mahirap ang course ko at kelangan ng dedication para maipasa ko `to. Busy. Yan ang dahilan. Mawawalan ako ng time para sa kanya at ayoko din naman siyang pagintayin sa wala.
Ano na gagawin ko ngayon? Cool off o wala na talaga?
Bibigyan ko pa ba yung relasyon namin ng chance o hindi na?


